Month: Pebrero 2025

TUBIG NA NAGBIBIGAY-BUHAY

Hindi naging maganda ang buhay ni Andrea sa kanilang tahanan. Kaya noong labing-apat na taon na siya, umalis siya at nanirahan sa kanyang mga kaibigan. Sumama rin siya sa isang lalaki sa pag-asang mahanap ang pagmamahal at pagkilala. Ngunit hindi niya natagpuan ito. Kaya, patuloy niyang hinanap ang pagmamahal at pagkilala ng iba. Hindi naman nagtagal, nakilala niya ang mga…

ARAW NG PAGPAPAKUMBABA

Natutuwa ako sa mga kakaibang pagdiriwang na naiisip ng tao. Mayroong Araw ng mga Manlulunok ng Espada, Araw ng Pagpapahalaga sa Tinapay ng Aso, at marami pang iba. Ngayon naman ang Araw ng Pagiging Mapagkumbaba. Isang magandang katangian ang pagiging mapagkumbaba at dapat lang na ipagdiwang. Ngunit hindi ganito ang pangyayari noon.

Dati, itinuturing na kahinaan ang magpakumbaba; mas pinapahalagahan…

PROTEKTAHAN ANG PUSO

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit ng matematikong si Abraham Wald ang kanyang talento sa pagbibilang. Tinulungan niya ang hukbo ng mga Amerikano sa paglutas kung paano mapoprotektahan mula sa pagkasunog ang kanilang mga eroplano. Nagsimula si Wald at ang kanyang mga kasamahan sa pag-aaral sa mga eroplanong nakabalik pa. Inaral nila kung anong parte ng sasakyan ang lubos na napipinsala.…

TUNAY NATING KAILANGAN

Habang nagluluto, napansin ng asawang lalaki ang ginagawa ng kanyang asawa. Kaya tinanong niya ito kung bakit kailangan pa niyang hatiin ang karne bago ilagay sa malaking kaldero. Sagot naman ng babae, “Ganito kasi ang ginagawa ni nanay.”

Dahil sa tanong na iyon, inalam ng babae sa kanyang ina ang tungkol sa tradisyon ng paghahati ng karne. Ngunit nagulat siya.…

MAGBAGONG BUHAY

Mayroong isang maliit na bayan sa Australia kung saan nakatira ang pitong tribo ng mga katutubo, ang Aurukun. Ilang siglo na rin ang nakakaraan nang ibahagi rito ang Magandang Balita. Ngunit paminsan-minsan, ginagamit pa rin nila ang mata sa matang paraan bilang kabayaran sa pagkakasala. Kaya naman, nagkaroon ng tensyon nang mayroong pinatay noong 2015.

Ngunit isang nakamamanghang pangyayari ang…